Thursday, November 5, 2009

Kauna-unahang BONPEN Festival, ginanap sa Catanauan

by R.Orinday
Source: PIA Information Serviceshttp://www.pia.gov.ph/?m=12&sec=reader&fi=p091105.htm&no=38








(Left Photo: Ms BonPen Competition , Right Photo: Street Dancing Competition)
Catanauan, Quezon (5 November) -- Ginanap sa bayang noong Oktubre 28-31 ang kauna-unahang Bondoc Peninsula
(BONPEN) Festival. Tampok dito ang presentasyon ng iba't-ibang festivas ng 12 bayan ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Quezon gayundin ang presentasyon ng mga musa at karosa, kumpetisyon sa paglikha ng BONPEN slogan na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba't-ibang paaralan. Tampok din sa okasyong ito ang exhibit at iba pang mga gawain na may kaugnayan sa pagpapalakas ng turismo. Ipinakita rin sa festival ang iba't-ibang tourist destination ng Bondoc Peninsula upang mang-engganyo ng mga lokal at dayuhang turista.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Quezon Gov. Raffy Nantes na isa rin sa mga sumaksi sa okasyon na ang BONPEN Festival ay maghuhudyat upang makilala ang Bondoc Peninsula sa larangan ng turismo hindi lamang sa lalawigan ng Quezon kundi gayundin sa loob at labas ng bansa. Naging matagumpay ang BONPEN Festival dahilan sa pakikiisa ng 12 bayan sa ikatlong distrito at maging sa organizer at founder nito na si Board Member Lourdes de Luna Pasatiempo.
Ipinarating ni Gov. Nantes sa mga residente ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Quezon na kabilang ang turismo sa kanyang mga pangunahing programang pangkaunlaran sa buong lalawigan kaya buo ang kanyang suporta sa pagdaraos ng BONPEN festival.
Pinasalamatan naman ni BM pasatiempo si Gov. Nantes sa ipinagkaloob nitong tulong upang maging matagumpay ang nasabing okasyon. Inihayag din nito na sa taong 2010 ay makakasama na sa kalendaryo ng mga festival na idinaraos sa bansa ang BONPEN festival matapos na ito ay aprubahan ni Sec. Ace Durano. (PIA4A) [top]

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

Followers

  © Free Blogger Templates Spain by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP