Sunday, August 29, 2010

Panawagan sa mga katutubong Catanaunin na magambag ng mga salitang likas o taal sa mga Catanauan

DIKSYUNARYONG CATANAUANIN: PARSYAL NA AMBAG SA KOMPREHENSIBONG PAG-AARAL SA KASAYSAYAN NG BAYAN NG CATANAUAN (QUEZON)

ni Byron Cuerdo


Inaanyayahan ang mga (katutubong) mamamayan ng Bayan ng Catanauan, Quezon na maki-isa sa kasalukuyang ginagawang paglilikom ng mga salitang Catanauanin.  Layunin ng inisyatibong ito na makalap ang 80% (kung hindi man lahat) na mga "ligal" na salitang lokal na hindi matatagpuan sa alinmang dayalekto sa arkipelago, subalit pinahihintulutang i-ambag sa hanay ng mga salita ang nakagawiang salitang lokal na hawig/katunog ng ilang salitang nagmula sa mga dayalektong panlabas (Bisaya, Bikolano, ibp.) ng bayan.

Ang mga ambag na salita ay masusing pag-aaralan kung likas/di-likas sa ating lokalidad, at ang malilikom na mga salita ay ibibilang sa inihahandang diksyunaryo upang maging sanggunian.

Lakip ng paglilikom na ito ang susunod na balaking pag-aralan ang kasaysayan ng bayan, halig sa naunang tala na kasaysayang may iilan at karampot na datos upang maunawaan ang tunay na pinagmulan ng ating lokal na mga salita, mamamayan, at mga kulturang naririto.

Maaalala nating ang wika ay isa sa mga batayan ng paghahango sa kasaysayan, at sa hanay ng ating mga ginagamit na mga salita, masasabi nating may malaking kaugnayan ang pagsisimula ng ating bayan sa maraming katutubo/mamamayan mula sa labas ng ating bayan.  Marami sa ating salitang lokal ay natutunang gamitin (o maaring higit sabihing "namana") mula sa dayalektong Bisaya, at iba pa.

Malaki ang pagkakataong mahango at/o malaman natin ang pinagmulan ng ating bayan, mamamayan (bukod sa sinasabing mga ita ang naunang katutubong nanirahan at unang mamamayan nito), kultura (una na ang Boling-boling na salitang nagmula sa Bisaya na nangangahulugan ng "uling), naunang mga dayuhan, at sa huli ay ang pagsubok sa komprehensibong pag-aaral sa ating kasaysayan at sa muling pagtatala nito (basahin ang tala sa ibaba).

Foundation of Catanauan
The existence of Catanauan as a pueblo (town) was first recorded in the map of father Pedro Murillo dated 1734. The Petition dated 1685 of Bishop Andres Gonzales of Nueva Caceres, Naga City requesting the King of Spain to have Masbate and the Pueblo of Catanauan assigned to Recollect Order was reflective of the early creation of Catanauan. The recognized foundation year of the Municipality was 1713 called as Nabatasan. [Source: wikipedia.org]


Origin of Catanauan During the early part of the 17th century, there were frequent Moro (now Muslim) raids so Catanauan folks erected two small stone forts or watchtowers mounted with heavy and small artillery, both properly manned where they can easily see each other or called in local dialect “Magkatanawan”. There is where the name “Catanauan” was derived. The first watchtower called “Sta Maria’ was constructed near the place where the present municipal wharf is located. The second one, which stood in the intersection of what are now Rizal and Boncan streets, was called the “Castillo”.[Source: GTSI]


Legend of Catanauan During the latter part of the eighteenth century, Spanish galleon frequented this place. One of the commanders of the ship was Spanish navigator, named Manuel del Gallego. During his voyage, he caught sight of an island a very white beach reflecting along the horizon. Anxious to discover a land, the captain of the ship landed on it. Gallego then hastily reported to his companion that this would be a nice place to settle upon. So he traced it on the map. It is in the Central part of Banton Island, Marinduque and Romblon. Due to its favorable location he named it ‘MAGTANAUAN’ later on with the coming of the American in the early part of the nineteenth century ‘KA’ was affixed to Tanuan naming it ‘CATANAUAN’ this is the legend of this town.[Source:www.catanauan.net]

Hindi binabanggit dito ang mga naunang mamamayan, wika, kultura, at marami pang bahagi ng mukha ng ating bayan, kung kaya masasabi nating hindi komprehensibo ang tala na ito sa itaas.

Sa huling mga tuklas, ilang sityo sa ating bayan ang kinatagpuan ng mga sinaunang bangang-libingan (ancient burial jars) noong 2009-2010 at isinasapantahang may ilang daan o libong taon na ang nakakaraan mula ng ang mga ito ay ibaon.  Natuklasan ang mga bangang-libingan na ito sa Brgy. Tuhian, Kanlagkit (MSK/MSS), at isinasapantahang marami pa sa mga baybay dagat ng bayan.  Natuklasan ito ni G. Deo Aaron V. Cuerdo at binigyan ng kaukulang pag-aaral ng National Museum sa pangunguna ni Dr. Victor Paz (Direktor), mga mag-aaral na arkiyologo mula sa Unibersidad ng Pilipinas at Australia.

Sa sandaling matapos ang pag-aaral ukol sa mga bagong tuklas na libingang-banga, maaari nating bigyan ng paghahambing ang sinaunang pamumuhay kung paanong ito ay may kaugnayan sa pinagmulan ng ating lokalidad, gayon din ang pinagmulan ng marami sa ating salitang maituturing na pekulyar/di karaniwan, halimbawa'y:

bayutbutin
lagabong
suyusoy

at marami pang iba.

Ilan sa mga salik na ating bibigyang pansin sa mga salitang lokal na ating ginagamit ay ang mga sumusunod:

A.Pisikal: porma, tunog, punto (accent), at gamit sa pangungusap

Ang wikang Catanauanin ay namumukod sa karamihan sa paligid nitong bayan, kahit na sa kabuuan ng Katimugang Tagalog.  Mapupuna rito ang porma (hal. gab-i - gabi; tan-aw - tanaw): tunog (hal. bigyi - bigyan): punto (karaniwang taas-babang tono) na hindi karaniwan sa rehiyon; gamit (sumusunod sa sintaktikang anyo subalit maaring mag-iba-iba ng kahulugan, hal.: Bakdongan (paluin ng matigas na bagay, halimbawa'y kahoy, sa ulo.  "Bakdongan kaya kita!" maaring ito ay mangahulugan na tatamaan sa ulo ang kinakausap, subalit maari din itong gamiting isa pang salita ukol sa pagpalo sa iba pang bahagi ng katawan.

B.Lokasyon ng Bayan

Naliligid ang bayan ng Catanauan ng mga bayang sunod sa karaniwang punto (Maynila, o karaniwang puntong Katimugang Tagalog), maliban sa Mulanay na kalapit-bahay nito na ang punto ay kaiba rin sa lokal na punto ng Catanauan.  Maaaring maituring na may malaking impluwensya ang malalapit na lalawigan/rehiyong Bikol at Bisaya (maaaring makita ang lokasyon nito sa mga mapang matatagpuan sa google/wikipidea ng Catanauan, o probinsya ng Quezon).

C.Naunang Mamamayan: Ita (o Bisayang/Bikolanong Ita?)

Ayon sa tala ng kasaysayan ng bayan, unang namuhay sa bayang ito ang mga ita bago pa dumating ang ibang mga dayuhan.  Ngunit masasabi nating ang Ita ng Zambales ay may ibang dayalekto na hindi katulad ng dayalekto ng bayang ito.  Kung sila ang maituturing na unang mamamayan, ang impluwensya ng kanilang dayalekto ay maaaring buhay pa rin ngayon.  tandaang ang ating lokal na wika ay may hawig sa Bikol-Bisaya, kaya sasabihin ba nating ang mga ita noon ay Itasayakol (Ita na Bisaya-Bikolano)?  Susundan natin ang katauhan/kultura ng mga nahukay na reliks mula sa sityo ng natuklasang mga libingang-banga upang magbigay linaw sa mga naunang mamamayan.

D.Kultura

Maraming kultura ang bayan ng Catanauan na higit na hawig sa mga bayan sa maraming lalawigan sa Katimugang Tagalog.  Ngunit isa sa mga kultura nito ang naging higit na kakaiba ay ang Boling-boling Festival na hindi karaniwan ang pagsasaganap (makikita ang Boling-boling sa wikipidea o sa Catanauan Portal.com).  Hindi gaanong bibigyang pokus ito sa ngayon, subalit hindi isinasantabi na bahagi ito ng kulturang pangwika.

Paraan ng paglilikom at pag-aaral:

A.Ang pokus ng hakbang na ito ay nauukol lamang (muna) sa paglilikom ng mga salitang Catanauanin;

B.Matapos malikom ang 80% ng mga salita, ihahambing ang mga ito at ang mga kahulugan sa ilang mga dayalekto mula sa kalapit-lalawigan at iba pang rehiyon;

C.Pansamantalang isasantabi ang ilang bahagi na may kaugnayan sa kasaysayan ng mga unang mamamayan, kultura, iba pa;

D.pagsasangguni sa kinauukulang propesyunal upang marating ang layon ng paglilikom/pag-aaral.

Sa pamamagitan ng paunang paglilikom ng mga salita, may dalawang bagay tayong mabibigyang pansin at mapagyayaman:

1.  ang pagbubuo ng diksyunaryong Catanauanin; at
2.  ang pagsisimula sa muling-aral sa ating kasaysayan.

Paano mag-aambag ng mga salita:
1. maaring mag-ambag ng salita sa ibaba nito (comment box)
2. ibibigay ang kahulugan (Filipino-English) sa salitang-ambag;
3. magbibigay ng halimbawa ng gamit nito sa pangungusap.

PAALALA: Ang nagsimula ng hakbang na ito ay siya lamang tagapag-simula.  MATAPOS ANG PAGLILIKOM, ANG MGA DATOS AY ISASANGGUNI SA HIGIT NA MAY KAALAMAN SA LINYA NG LINGGWISTIKA UPANG BIGYANG KATUTURAN ANG KASAYSAYANG NAKAPALOOB DITO.

MATITUTURING NATING KUMPLIKADO ANG ISASAGAWANG PAG-AARAL/PAGLILIKOM NA ITO NA HINDI DAGLIANG BIBIGYAN NG MGA KONKLUSYON AT PAGPAPATIBAY UPANG GAMITIN SA MULING-ARAL SA ATING KASAYSAYAN.   DAHIL SA KAKULANGAN NG KAALAMAN NG NAGPASIMULA UKOL SA MGA BAGAY NA NABABANGGIT SA ITAAS, MAARI KAYONG MAGBIGAY NG KOMENTO O SUHESTIYON UPANG HIGIT NA ITO AY MAGING INTERAKTIBO AT KOMPREHENSIBO.

Ang lahat ay welcome!

~sa mga talahanayang alpabeto:
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147739865247264
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147742678580316
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147743678580216
http://www.facebook.com/note.php?note_id=147743558580228
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147714318583152
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147714131916504
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147744348580149
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147744915246759
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147745138580070
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147745415246709
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147745745246676
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147746238579960
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147745988579985
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147746328579951
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147757871912130
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147746455246605
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147691281918789
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147788398575744
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147788595242391
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147788708575713
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147714318583152
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147714131916504
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147744348580149
...http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147744915246759
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147745138580070
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147745415246709
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147745745246676
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147746238579960
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147745988579985
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147746328579951
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147757871912130
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147746455246605
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147691281918789
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147788398575744
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147788595242391
http://www.facebook.com/note.php?created&&note_id=147788708575713



Back to www.catanauanportal.com

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

Followers

  © Free Blogger Templates Spain by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP